Nicene Creed in Tagalog | Sumasampalataya Ako

Nicene Creed
Impormasyon

Ang Nicene Creed, na binuo sa Unang Konseho ng Nicaea noong 325 AD at pinalawak sa Konseho ng Constantinople noong 381 AD, ay isang pundamental na pahayag ng paniniwalang Kristiyano. Ito ay nilikha upang tugunan ang mga teolohikal na pagtatalo, partikular na ang Arianismo, na nagtanong sa pagka-Diyos ni Kristo. Pinagtitibay ng kredo ang Santisima Trinidad—ang Ama, Anak, at Espiritu Santo—bilang magkakapantay at walang hanggan, na binibigyang-diin ang ganap na pagka-Diyos at pagkatao ni Hesukristo. Nanatili itong mahalagang pahayag sa maraming denominasyon ng Kristiyanismo, bagaman may mga pagkakaiba: ang mga Simbahang Silangang Ortodokso at Romano Katoliko ay gumagamit ng pariralang “nagmumula sa Ama,” samantalang idinagdag ng bersyong Katoliko ang “at sa Anak” (Filioque), isang mahalagang teolohikal na pagkakaiba mula sa Ortodoksong Kristiyanismo. Ang kredong ito ay mahalaga dahil pinagbubuklod nito ang karamihan sa mga simbahang Kristiyano sa kanilang mga pangunahing paniniwala at nagtatakda ng mga hangganan para sa wastong doktrinang Kristiyano.

Sumasampalataya Ako

Sumasampalataya ako sa iisang Diyos,Amang makapangyayari sa lahat,na may gawa ng langit at lupa,ng lahat ng nakikita at di nakikita.

At sa iisang Panginoong Hesukristo Bugtong na Anak ng Diyos.Nagmumula sa Amabago pa nagsimula ang panahon. Diyos buhat sa Diyos, liwanag buhat sa liwanag, Diyos na totoobuhat sa Diyos na totoo. Inianak, hindi nilikha, kaisa sa pagka-Diyos ng Ama:na sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat. Na dahil sa ating mga tao at sa ating kaligtasanay nanaog buhat sa langit. Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espiritu Santokay Mariang Birhen at naging tao. Ipinako sa krus dahil sa atin, nagpakasakit sa ilalim ng kapangyarihan ni Poncio Pilato, namatay at inilibing. At muling nabuhay sa ikatlong araw, ayon sa Kasulatan. Umakyat sa langit: naluluklok sa kanan ng Ama. At pariritong muli puspos ng kaluwalhatian upang hukuman ang mga buhay at mga patay:na ang kaharian niya’y walang hanggan.

Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo, Panginoon at nagbibigay buhay:na nanggagaling sa Ama at sa Anak:na sinasamba at niluluwalhating kasama ng Ama at ng Anak:na nagsalita sa pamamagitan ng mga Propeta.

Sumasampalataya ako sa iisang Iglesyang banal, katolika at apostolika.

At sa iisang binyag sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan. At hinihintay ko ang muling pagkabuhayng nangamatay at ang buhay na walang hanggan. Amen.

Learn with English

Sumasampalataya ako sa iisang Diyos,
Amang makapangyayari sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa,
ng lahat ng nakikita at di nakikita.

I believe in one God,
the Father Almighty,
Maker of heaven and earth,
of all things visible and invisible.

At sa iisang Panginoong Hesukristo,
Bugtong na Anak ng Diyos,
Nagmumula sa Ama bago pa nagsimula ang panahon.
Diyos buhat sa Diyos, liwanag buhat sa liwanag,
Diyos na totoo buhat sa Diyos na totoo.

And in one Lord Jesus Christ,
the only-begotten Son of God,
born of the Father before all ages.
God from God, Light from Light,
true God from true God.

Inianak, hindi nilikha,
kaisa sa pagka-Diyos ng Ama:
na sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat.

Begotten, not made,
consubstantial with the Father:
through Him all things were made.

Na dahil sa ating mga tao at sa ating kaligtasan
ay nanaog buhat sa langit.

For us men and for our salvation,
He came down from heaven.

Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espiritu Santo
kay Mariang Birhen at naging tao.

And by the Holy Spirit was incarnate
of the Virgin Mary and became man.

Ipinako sa krus dahil sa atin,
nagpakasakit sa ilalim ng kapangyarihan ni Poncio Pilato,
namatay at inilibing.

For our sake He was crucified
under Pontius Pilate,
He suffered death and was buried.

At muling nabuhay sa ikatlong araw,
ayon sa Kasulatan.

And rose again on the third day,
in accordance with the Scriptures.

Umakyat sa langit:
naluluklok sa kanan ng Ama.

He ascended into heaven
and is seated at the right hand of the Father.

At pariritong muli puspos ng kaluwalhatian
upang hukuman ang mga buhay at mga patay:
na ang kaharian niya’y walang hanggan.

He will come again in glory
to judge the living and the dead:
and His kingdom will have no end.

Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo,
Panginoon at nagbibigay buhay:
na nanggagaling sa Ama at sa Anak:
na sinasamba at niluluwalhating kasama ng Ama at ng Anak:
na nagsalita sa pamamagitan ng mga Propeta.

I believe in the Holy Spirit,
the Lord, the giver of life,
who proceeds from the Father and the Son:
who with the Father and the Son is adored and glorified:
who has spoken through the prophets.

Sumasampalataya ako sa iisang Iglesyang banal,
katolika at apostolika.

I believe in one, holy, catholic, and apostolic Church.

At sa iisang binyag sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.
At hinihintay ko ang muling pagkabuhay ng nangamatay
at ang buhay na walang hanggan. Amen.

I confess one baptism for the forgiveness of sins.
And I look forward to the resurrection of the dead
and the life of the world to come. Amen.

We receive commissions for purchases made through links in this page.